Thursday, March 10, 2011

Masarap ma-inlove

March 7, 2010 nang una akong nagkaboyfriend. Ganun pala yung pakiramdam na para kang bilanggo sa una. Na kailangan mong sabihin sa kanya lahat ng gagawin mo. Pero sa unang lahat yun. Masarap pala yung pakiramdam na may ibang nagmamahal sayo bukod sa mga magulang at kamag-anak mo, at bukod rin sa mga kaibigan mo. Na lagi mong maaasahan pag wala ka nang matakbuhan.
Walang mas papantay sa pagmamahal na binibigay ng magulang. Ang boyfriend maaari ka niyang iwan at talikuran, pero ang magulang, kahit na lagi mong silang binibigyan ng sakit ng ulo o kahit na lagi mo silang sinusuway lagi pa rin silang andyan sa tabi mo, patuloy na gumagabay.


No comments:

Post a Comment